Umani ng matinding emosyon ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Munisipyo ng GMA sa Pamilihang Bayan matapos ihagis ng ilang nagtitind...
Umani ng matinding emosyon ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Munisipyo ng GMA sa Pamilihang Bayan matapos ihagis ng ilang nagtitinda ng prutas at gulay ang kanilang mga paninda.
Ayon sa mga nagtitinda, labis ang kanilang hinanakit dahil marangal umano silang naghahanapbuhay upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Ipinahayag din nila ang kanilang pagkadismaya, na sa kanilang pananaw ay tila sila pa ang pinagtutuunan ng aksyon, samantalang may mga gumagawa ng krimen na nananatiling malaya.
Patuloy namang hinihintay ang panig ng Munisipyo ng GMA kaugnay ng isinagawang operasyon at ang paliwanag sa pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa.
